VALENZUELA CITY – NASAWI ang isang empleyado ng CW Home Depot habang sugatan naman ang 14 kasama nito matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang van kahapon ng umaga.
Dead on the spot sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan si Rolan Denovo, 31, ng Brgy. Minuyan 2, San Jose Del Monte, Bulacan.
Isinugod naman at ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong sugat sa katawan sina Ron Arwin Fernandez, 23, driver ng Hyundai H100 van (NAL-2318), Iris Cabuguin, 30, Marcelo Mariano, 32, Mevel Gucor, 28, Mark Gil Naraga, 29, Daryll Raquel, 51, Elbert Gallano, 36, John Arvin Chavez, 31, Alexis Macosa, 30, Argie Rotomo, 21, Melvin Blanco, 41, Daniel Fronda, 21, Ricmar Lactao, 28 at Marck Francis Delos Reyes, 26.
Sa natanggap na ulat ni Valenzuela police chief P/Col. David Nicolas Poklay, dakong alas-8 ng umaga, tinatahak ng sasakyan ang north bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) nang matanggal ang isa sa kanang gulong nito.
Nawalan ng control ang van hanggang sa bumangga sa steel railing ng expressway at nahulog sa kanang bahagi saka gumulong sa East Service ng Lawang Bato na nagresulta ng agarang kamatayan ni Denovo. VICK TANES
Comments are closed.