INIHAYAG kahapon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na umabot na sa 102 ang gumaling sa COVID-19 sa Navotas City habang isa ang namatay.
Kasabay nito, dumating din kahapon ang 278 resulta ng COVID-19 testing na isinagawa noong Hulyo 31 at sa bilang na ito, 30 ang bagong kumpirmadong at 247 naman ang nagnegatibo.
Gayunpaman, patuloy ang paalala ng pamahalaang lungsod sa mga nagnegatibo na huwag maging kampante bagkus ay mag-ingat at manatiling ligtas.
“Mahigpit pa rin po nating ipatutupad ang stay home policy. Kaya po nagpapatupad tayo ng curfew at schedule ng paglabas at pagbili ng mga pangangailangan. Hanggang maaari, kung wala namang kailangang gawin, manatili po sa bahay. Ito ang pinakauna nating proteksyon mula sa COVID-19,” ani Tiangco.
Sa pinakahuling tala ng lungsod, 3,068 na ang nagpositibo sa COVID-19, na kung saan 1,675 ang active cases, 1,292 ang gumaling na at 101 na ang namatay. VICK TANES
Comments are closed.