1 PANG DH SA SINGAPORE NAHAWAAN NA RIN NG COVID-19

Singapore

CHANGI – ISA pang Filipino domestic helper ang nahawahan ng novel coronavirus disease (COVID-19) sa Singapore, ayon sa kanilang Ministry of Health (MOH).

Sa huling ulat ng MOH, isang 41-anyos na Filipina domestic worker ang kabilang sa apat na bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ang DH ay tauhan ng 61-anyos na Singaporean citizen na hindi naman matukoy kung travel history ito sa China, Daegu City, o  sa Cheongdo County.

Ang mag-amo ay nasa isolation room sa Ng Teng Fong General Hospital, ayon sa ulat.

Magugunitang noong Pebrero 23 ay naitala ang unang Pinoy na nagpositibo sa nasabing sakit.

Ang unang Filipino  ay na- quarantine sa National Centre for Infectious Diseases at pinalabas na noong Pebrero 28 habang mayroong tatlong iba na na-discharge sa ospital kahapon, ayon sa MOH.

Batay sa record ng MOH, may kabuuang 72 cases sa Singapore ang naka-rekober at na-discharge sa iba’t ibang ospital.

Ang natitirang 30 iba pa na nagpositibo sa COVID 19 ay umaayos naman ang lagay, suba­lit ang pitong iba pa ay kritikal at nasa intensive care units. EUNICE C.

Comments are closed.