1 PANG PH BOXER SA OLYMPICS

Irish Magno

NAKASAMBOT ng puwesto si Irish Magno sa 2020 Tokyo Olympics makaraang mag­wagi sa kanyang box-off bout sa women’s flyweight division sa Asia and Oceania Olympic Qualifying Tournament kahapon sa Amman, Jordan.

Nadominahan ng 29-year-old fighter si Sumaiva Oosimova ng Tajikistan at kinuha ang panalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

Napunta si Magno sa box-off makaraang matalo kay Indian six-time champ Mary Kom via unanimous decision sa women’s flyweight quarterfinals.

Si Magno ang ika-4 na Filipino na nagkuwalipika sa Olympics, ang unang tatlo ay sina top pole vaulter EJ Obiena, world champion gymnast Carlos Yulo at fellow boxer Eumir Marcial.

Samantala, nabigo si Filipino boxer Carlo Paalam na makakuha ng puwesto sa Olympics makaraang yumuko kay Saken Bibossinov ng Kazakhstan, 4-1, sa men’s flyweight box-offs.

Gayunman, magkakaroon pa si Paalam ng isang pagkakataon, kasama si world champion Nesthy Petecio sa World Olympic Qualifying Tournament sa Paris, France sa Mayo.

Comments are closed.