USA – MAKARAAN ang brutal na pagkamatay ng isang Filipina sa Texas na inilagay pa sa freezer ng kaniyang mister, isa pang Filipina na may anak na dalawa ang binaril ng umano’y sabog sa droga na mister sa isang hotel sa Dallas.
Kinilala ang biktima na si Jacqueline Rose Nicholas, 29-anyos, habang arestado naman ang kanyang mister na si Peter Noble, isang disc jockey na may DJ name na Peter Mash.
Hatinggabi ng Hulyo 29 nang matagpuan ang labi ni Nicholas nang rumesponde ang mga pulis.
Tinangka pa umanong tumakas ni Noble subalit nasakote ito na may cord sa leeg at duguan.
Ayon sa ina ni Nicholas, maililigtas sana ang biktima kung agad narespondehan nang tumawag na concerned citizen sa 911 makaraang marinig ang pagsigaw ng tulong.
Isang grupo na GofundMe ang naglikom para naman matulungan ang dalawang menor na anak ni Nicholas dahil ang kanilang ama ay makukulong. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.