1 PANG PULIS PATAY SA COVID-19

MAKARAAN ang sampung araw, isa pang pulis ang nadag­dag sa fatalities sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP-Health Service, pumalo na sa 128 ang nasawi dahil sa nasabning sakit simula nang maitala ang unang fatality noong Marso 2020.

Habang hanggang kahapon ay nasa 323 na lamang ang aktibong kaso ng nasabing sakit makaraang makarekober ang 68 pulis.

Dahil sa panibagong recoveries, umabot na sa 48,249 ang kabuuang gumaling na pulis habang naitala naman ang 24 na karagdagang dinapuan ng sakit.

Umaabot na sa 48,700 na ang kabuuang kaso sa PNP.

Samantala, umabot na sa 102,747 na pulis ang tumanggap ng booster shot; 219,412 ang fully vaccinated habang 4,647 na pulis naman ang naghihintay ng ikalawang shot.

Nasa 816 pulis naman ang hindi pa nababakunahan kasama na ang 412 na may medical condition habang ang natitira ay dahil duda pa rin sa bakuna. EUNICE CELARIO