BULACAN – HINDI pa man nalulutas ang kaso ng pamamaril kay Kap. Felimon Lazaro Santos y Evangelista Jr. na ikinasugat ng isang Richard del Rosario ng Brgy. Malipampang, isa na namang kapitan del barrio ang dead on the spot makaraang barilin ng riding in tandem suspect sa Brgy. Lapnit sa bayan ng San Ildefonso kahapon ng alas-5:50 ng umaga.
Sa report ni P/Lt.Col.Voltaire Rivera, kinilala ang pinatay na si Rosteo Salao y Mercado, 67-anyos, na residente ng Brgy. Lapnit.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, sakay ng motorsiklo ang biktima ng barilin nang malapitan ng dalawang lalaki na armado ng maikling kalibre ng baril.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka.
Samantala, patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis kung sino at ano ang motibo sa pamamaslang. THONY ARCENAL