1 PATAY, 2 SUGATAN SA PAMAMARIL SA MALABON

DEAD on the spot ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos ang naganap na pamamaril kahapon ng umaga sa Malabon City.

Batay sa report na isinumite ni Malabon City Police chief PCol. Jay Baybayan, kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Rizalito Gapas, dead on the spot ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng itim na T- shirt at puting short habang sugatan ang kasama nitong babae na dinala sa Tondo Medical Center.

Samantalang sugatan naman si Alexis Gutierrez alyas Uga at kasalukuyang nilalapan ng lunas sa Makatao Ospital .

Nabatid na ang Itinuturo suspek sa pamamaril ay isang alyas Jr.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga imbestigador na may hawak ng kaso na sina PSSg. Diego G. Ngippol at PCpl. Rocky Pagindas, naganap ang naturang insidente ng pamamaril dakong alas 5 ng umaga sa No. 51, Basilio St., Brgy. Acacia, Malabon City

Ayon sa ilang residente nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita na lamang nila ang nakahandusay at duguan mga biktima.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad upang alamin ang tunay na motibo sa naganap na pamamaril habang patuloy din ang follow-up operation laban sa suspek.
EVELYN GARCIA