MAGUINDANAO DEL NORTE- AGAD na binawian ng buhay ang isa katao habang nasa malubha namang kalagayan ang dalawang iba matapos na paulanan ng bala ang mga hindi nakilalang armadong kalalakihan ang sasakyan na kinalululanan ng mga biktima na naganap nitong gabi ng Linggo sa lalawigag ito
Batay sa report na nakarating sa himpilan ng pulisya, ang mga hindi pa nakikilalang biktima ay kasalukuyang nakasakay sa isang Tamaraw FX nang bigla na lamang tambangan at walang habas na pinaputukan ng mga hindi nakilalang salarin ang nasabing sasakyan.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Major Reggie Abellera na naganap ang nasabing pananambang sa nitong Linggo sa Sitio Linamunan Barangay Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Sur.
Matapos ang pamamaril ng mga suspek ay agad na tumakas sakay ng isang SUV at motorsiklo dala ang armas na ginamit sa pamamaril patungo sa hindi pa mabatid na lugar.
Habang ang dalawang nasugatan ay agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan sa Lungsod ng Cotobato.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng DOS-PNP sa naganap na pananambang sa mga biktima. EVELYN GARCIA