1 PATAY, 2 SUGATAN SA ‘RIDU’

NORTH COTABATO- ISA ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan sa sagupaan ng dalawang armadong grupo na kapwa kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) sa Brgy. Matilac, dating sakop ng bayan ng Pigcawayan sa SGA-BARMM.

Sumiklab ang labanan sa pagitan nina Brgy Chairman Tong Talusan, field commander ng 104 base command ng Bangsamoro Islamic Armed Force ng MILF at grupo ni Ebrahim Piang alias Kagui Sabod, battalion commander ng 105 base command, BIAF, MILF kasama sina Brgy Chairman Datu Kulab ng MNLF na may pareho rin puwersa.

Bunsod nito ilang pamilya ang lumikas sa takot na maipit sa sagupaan ng dalawang pangkat kahapon ng umaga.
Ayon kay BGen. Nasser P. Lidasan PA, Assistant Division Commander ng 6ID at chairman ng Coordinating Committee on the Cessation for Hostilities (CCCH) kung saan kinausap ng militar at pulisya ang dalawang armadong pangkat upang itigil na ang sagupaan sa lugar.

Ginawa ni Brig. Gen. Lidasan ang hakbang matapos na ipinag-utos ni Major General Alex S. Rillera PA, pinuno ng 6ID/JTFC na tuldukan na ang gusot sa lugar dahil hindi mag-aatubiling gamitan ang pwersa ng militar kung hindi titigil dahil nadadamay ang mga sibilyan.
VERLIN RUIZ