NUEVA VIZCAYA- NAMATAY nuon din ang isang 45 anyos na may-ari ng junkshop habang 3 naman ang sugatan sa naganap na aksidente ng mga sasakyan sa Villaros, Bagabag sa lalawigang ito.
Batay sa report ng pulisya ang mga nasangkot sa banggaan ang isang Rusi motorcycle na minaneho ni Benjamin Manantan, 42-anyos, construction worker, nakatira sa Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya; isang Toyota Hillux na minaneho ni Jayson Magbitang, 42-anyos, residente ng Dipintin, Nagtipunan, Quirino at Isuzu Truck Tractor Head na minaneho ni Regie Palacay, 22-anyos, binata, residente ng Cabaritan East, Ballesteros, Cagayan.
Samantalang, agad namang binawian ng buhay si Roselyn Taberna na backride ng motorsiklo na tumilapon at nasagasaan pa ng truck.
Dahilsa matinding pinsala na tinamo ng biktima ang naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.
Habang ang driver ng motorsiklo ay agad na isinugod sa Region II Trauma and Medical Center (R2TMC) para malapatan ng paunang lunas habang nagtamo naman ng sugat ang tsuper ng pick up at truck.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, patungong Solano ang motorsiklo habang patungong naman sa bayan ng Diadi ang pick-up at truck nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nag-overtake sa truck ang pick up at nabanga nito ang kasalubong na motorsiklo.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente kung sino ang responsable sa naturang pangyayari. EVELYN GARCIA