BUKIDNON-IPINALIBING agad Philippine Army 4th Infantry Division commander Maj. Gen. Romeo Brawner Jr.ang mga napatay sa CPP-NPA matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga ito.
Habang isa naman sa siyam na nadakip ang kinakailangan mabigyan ng medical attention dahil positibo rin sa COVID-19 at may isang babaeng kadre naman ang nilalapatan ng lunas dahil sa tama ng bala sanhi ng naganap na engkuwentro.
Nabatid kamakalawa ng umaga ay nirespondehan ng mga elemento mula 88 Infantry Battalion ang sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng malaking grupo ng mga armado na nangingikil at nagrerecruit ng mgabagong kasapi sa area ng Brgy Mabuhay, San Fernando sa lalawigang ito.
Agad na nagkaroon ng engkuwentro sa magubat na bahagi ng Brgy Mabuhay, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na rebelde NPA at pagkakadakip sa 9 pang CNTs kabilang ang 3 menor de edad na ang pinakabata ay 12-anyos at pagkakarekober sa 16 high-powered firearms.
Ayon sa 403rd Infantry Brigade bunsod ng nasabing sagupaan laban sa may 20 NPA na pinamumunuan ng isang alyas Migz, Front Secretary, Guerilla Front Malayag ng Sub Regional Committee 2 (SRC2) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ay malaking bilang ang nawala sa puwersa ng mga kalaban.
Mula nang manungkulan si Brawner Jr. bilang 4ID Commander noong Hulyo 5 ay may naitala ng 37 encounters laban sa CTG sa kanilang AOR na nag resulta sa pagkabawi sa may 46 firearms, siyam na CNTs ang napatay at 16 na iba pa ang nahuli o sumuko.
May 37 CTG members ang nagbalik loob bitbit ang may 21 firearms habang nasa 23 pinagkukutaan ng kalaban ang kanilang nakubkob at nakuhanan ng 5 IEDs. VERLIN RUIZ
242995 375395Some actually good stuff on this web internet site , I enjoy it. 733357
76371 18595Actually your creative writing skills has encouraged me to get my own website now. Actually the blogging is spreading its wings quickly. Your write up is a good example of it. 622329
771732 469272Spot on with this write-up, I truly think this web site needs significantly more consideration. Ill probably be once again to read considerably more, thanks for that info. 866904