CAVITE- DEAD on the spot ang isang 36-anyos na store owner samantalang dalawa ang malubhang nasugatan nang tamaan ng kidlat habang nagkukuwentuhan sa isang kubo sa Barangay San Agustin, Trece Martirez nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ng Trece Martirez Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang biktima na si Edrin Musa, may-asawa ng nasabing bayan.
Kasalukuyan naman nagpagaling sa kanilang tinamong sugat si Mark Arjay Layno, 26-anyos, may- asawa at isang nagngangalang Renold.
Ayon kay Irene na asawa ng nasawi, malakas daw ang ulan at panay ang paglabas ng matatalim na kidlat kung kaya’t minabuti daw ng kanyang mister na kumubli sa kanilang tindahan kasama ng dalawa pang biktima.
Sinabi naman ni Layno na makaraan silang kumubli sa tindahan ni Musa ay bigla na lang umanong kumislap ng malakas na putok at nagising na lang siya na nasa emergency room ng hospital.
Sa pahayag naman ni Trece Martirez Mayor Gemma Lubigan, nananawagan ito sa mga residente na hindi na rin ligtas sa ngayon ang lilim ng puno o sa mga kubo sa tuwing may mga malalakas na ulan at kidlat.
Kaya’t ibayong pag-iingat ang hiling ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan. ARMAN CAMBE