10-ANYOS UNANG FEMALE NATIONAL MASTER SA PH

SA UNANG pagkakataon sa kasaysay- an ng Philippine chess, iginawad ang titulong National Master sa isang babaeng player.

Kinumpirma ni Grandmaster Jayson Gonzales, chief execu- tive officer ng National Chess Federation of the Philippines, sa isang post sa social media noong Sabado, na ig- inawad ng NCFP ang titulong National Master kay 10-year-old Nika Juris Nicolas ng Pasig City.

Sa kabila ng pagig- ing nag-iisang babaeng kalahok sa Boys Under 11 Division ng National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals na ginanap sa Dapitan City, Zamboanga del Norte mula Hunyo 2 hanggang 9, nagawa ni Nicolas na manalo ng mga medalya sa lahat ng kategorya, kabilang ang silver sa Standard at Blitz, at bronze sa Rapid.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakamit ni Nicolas ang kahangahangang tagumpay sa chess. Naging kampeon siya sa Under 11 Boys Division ng NCFP National Eliminations na ginanap sa Himamaylan City, Negros Occidental mula Marso 24 hang- gang 27, 2023.

Kapansin-pansin ang kanyang pambihirang pagganap sa boys’ division, at nakuha na niya ang kanyang lugar sa kasaysayan ng chess ng Pilipinas bilang kaunaunahan at nag-iisang babaeng National Master sa bansa.

Bihira para sa mga kababaihan na makipagkumpetensiya sa mga Open Division dahil karaniwang gusto nilang sumali sa hiwalay na dibisyon para sa mga kababaihan. Sa katunayan, ang World Chess Federation (FIDE) ay nagpapanatili ng hiwalay na mga titulo para sa mga lalaki/ open na kategorya, tulad ng Grandmaster, International Master, FIDE Master, at Candidate Master, na lahat ay nangangailangan ng mas mataas na FIDE rating threshold kumpara sa kanilang female counterpart.

Ang mga katotohanang ito ay naglalantad sa mga umiiral na disparidad ng kasarian sa larangan ng chess. Ang makasaysayang tagumpay ni Nicolas bilang kauna-unahan at nagiisang babaeng National Master sa Pilipinas ay sumisira sa mga hadlang sa lipunan at hinahamon ang paniniwala ng pangingibabaw ng lalaki sa chess.

Nakatakda siyang sumabak sa ASEAN Age Group Chess Championships sa Bangkok, Thai- land sa Hunyo 17-27, 2023.

-MARLON BERNARDINO