(10 araw bago ang deadline)NAIREHISTRONG SIM CARDS 41.32% PA LANG

SAMPUNG araw bago ang deadline ay wala pa rin sa kalahati ng target ang nakapagparehistro ng SIM card.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nasa 69,828,115 SIM cards lamang ang nairehistro, o 41.32% ng 168,977,773 target na irehistrong SIM cards.

Nangunguna pa rin sa registration tally ang Smart Communications, sinundan ng Globe at DITO Telecommunity Corporation.

Nitong Abril ay iginiit ng DICT na hindi na palalawigin ang itinakdang deadline sa pagpapatala.

Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang lahat ng public telecommunications entities ay inaatasan na magtatag ng kani-kanilang mga platform sa pagpaparehistro.

Binibigyan ang mga user ng 180 araw o hanggang Abril 26 para irehistro ang kanilang mga SIM card, o harapin ang pag-deactivate ng numero ng kanilang ­mobile phone.

DWIZ 882