MULING isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang sampung barangay sa lungsod ng Navotas.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naitatala nilang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar na umabot na sa 142.
Kabilang sa mga isasailalim sa ECQ ang mga barangay ng Northbay Boulevard North, Northbay Boulevard South proper, Dagat-dagatan, Kaunlaran, Sipac Almacen, San Jose, Daang Hari, San Roque, Tangos North, at Tangos South.
Epektibo ang pagpapatupad ng ECQ sa mga nabanggit na barangay alas-5:00 ng umaga ng Sabado, Mayo 23, at magtatagal hanggang 11:59 ng gabi ng Mayo 31.
Dahil dito, sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco, na muling hihigpitan ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa mga nasabing lugar kung saan, iisang tao lang ang papayagang lumabas hawak ang quarantine pass para bumili ng pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.
Tuloy rin ang pagpapatupad ng scheduling para sa mga mamamalengke bagama’t papayagan pa ring makalabas ang mga tinaguriang frontliner at iyong mga manggagawang kabilang sa mga exempted ng Inter-Agency Task Force (IATF). DWIZ882
Comments are closed.