10 BARANGAY OFFICIALS SA REGION 2 SUSPENDIDO SA SAP ANOMALY

SAP ANOMALY copy.jpg

CAGAYAN- NASA sampung punong barangay mula sa region 2 ang kabilang sa 89 mga opisyal ng barangay ang sinuspinde ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos na masangkot sa anomalya sa distribusyon sa unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa ipinalabas na kalatas ng DILG, kabilang ang tatlong punong barangay mula sa lalawigan ng Cagayan na sina Jessie D. Corpuz ng Barangay Baybayog, Alcala; Marlon A. Abuyuan, ng Barangay Tallugan, Aparri at si Leonides L. Bautista ng Barangay Centro 12, Tuguegarao City.

Samantala sa lalawigan ng Isabela, suspendido rin sina punong barangay Arnel P. Quesada ng Barangay Yeban Sur, Benito Soliven; Bienvinido B. Ruiz ng Barangay Callangigan, Quezon; Domi­ngo G. Tagufa ng Barangay Balug, Tumauini; German G. Vinoya, Jr, ng Barangay Oscariz, Ramon, Isabela at Sherwin S. Cadavona, Barangay Calinaoan Malasin, Sto Tomas, .

Sa Nueva Vizcaya, sinuspinde rin sina Samson D. Ebenga ng Barangay Abaca, Dupax Del Sur, at Wilson Cansino ng Barangay San Geronimo, ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Habang sa rehiyong Codillera, tatlong punong barangay din ang sinuspinde ng DILG na kinabibilangan nina punong barangay Jimmy Cabiao ng Barangay Quimloong, Bucay, Abra; Dennis Felina ng Barangay Luzong, Manabo, Abra at George Frederick Obal, ng Barangay Apatan, Pinukpuk, Kalinga.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, anim na buwang suspensiyon ang ipinataw sa mga nabanggit na kapitan ng barangay kung saan sinampahan na rin ang mga ito ng reklamo sa Ombudsman.

Samantala, inatasan na rin ni Año,  ang mga alkalde na nakasasakop sa nasabing barangay officials na agad na ipatupad ang suspension order mula sa Ombudsman.

Umaasa ang DILG  na magsisilbi itong babala sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno na walang puwang ang katiwalian sa bansa, lalo na sa gitna ng pandemya. IRENE  GONZALES

Comments are closed.