TABUK CITY-ISASAILALIM sa Aggressive Community Testing (ACT) ang 10 barangay sa lalawigang ito at dalawa pang bayan sa Kalinga simula Pebrero18 hanggang 25.
Ayon sa National Disaster Risk Management Council-Regional Task Force (NDRRMC-RTC) on Coronavirus Disease 2019, may nakalaan na 7,805 slots para tatlong LGUs sa lalawigan ng Kalinga kung saan aabot sa 5,000 kits ang para sa Tabuk City habang 1,205 naman sa bayan ng Pasil at 1,600 sa bayan ng Lubuagan.
Ang 10 barangays na sasailalim sa ACT sa Tabuk City ay ang mga barangay Bulanao Norte, Malinawa, Balawag, Bulanao Centro, Agbannawag, Bado Dangwa, Casigayan New Tanglag, Dagupan Centro, at Barangay Dagupan Western na sisimulan ang testing sa Pebrero 18 hanggang 22.
Samantala, sa bayan ng Pasil na ang mga Barangay Cagaluan, Guina-ang at Barangay Malucsad habang ang mga Barangay Mabongtot, Lower Uma, Poblacion, Mabilong at Barangay Dango sa bayan ng Lubuagan sasailalim naman sa ACT simula sa Pebrero 22 hanggang 22.
Ang makukuhang swab samples sa mga residente ay dadalhin naman sa molecular laboratory sa La Union.
Lumilitaw na mula 6:30 ng gabi ng Pebrero 15 umaabot na sa 1,734 confirmed cases ang naitala sa lalawigan ng Kalinga na may 264 active cases, 1,455 recoveries habang 15 naman ang namatay. MHAR BASCO
Comments are closed.