BULACAN – NANATILING lubog sa baha ang sampung bayan kabilang ang siyudad ng Meycauayan sa lalawigang ito.
Isa ang bayan ng Balagtas na may pinakamalalim na tubig na baha na umaabot sa 4-6 na talampakan sa Brgy. Panginay.
Habang not passable naman ang Macaiban Bridge sa bayan Sta. Maria at sa bahagi ng Lias-Ibayo Road sa bayan ng Marilao.
Kasabay nito’y hindi pa rin madadaanan ng anumang uri ng sasakyan ang detour sa bayan ng Baliwag at Bustos dahil naputol ang ginawang tulay ng pamahalaan.
Kung saan unti-unti na ring isinasaayos ang malalalim na hukay dahil sa pagragasa ng baha doon.
Sa kasalukuyan, patuloy naman na nagpakawala ng malaking volume ng tubig ang Bustos dam na may sukat na 290 centimeters na sinabayan ng hightide na 4.43 feet kaya naman karamihan ng nasa mababang lugar ay mas nalubog pa sa baha.
Maging ang maliliit na tindahan sa Malolos Crossing ay hindi rin nakaligtas sa hagupit ng habagat.
Kaugnay nito, nanatili sa 1,372 pamilya ang nasa mga evacuation center na mayroong 3,944 individuals mula sa 10 munisipalidad.
Habang ilang mga residente naman sa Sapa sa Crossing ng Malolos ang kanya-kanyang puwesto sa pamimingwit ng isda.
Kahapon ay nagsagawa rin ng libreng sakay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa bayan ng Marilao at Balagtas. THONY ARCENAL
Comments are closed.