(10 BIFF, 2 sundalo) DEATH TOLL SA BAKBAKAN NG AFP AT BIFF LUMOBO PA

BIFF

MAGUINDANAO– UMAKYAT na sa 12 katao ang nasawi sa pinalawak na focus military operation ng Joint Task Force Central laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigang ito.

Nakilala ang dalawang sundalong nasawi na sina Sgt. Irvin Alberastine ng 57th Infantry Battalion Philippine Army at Corporal Albert Serquiña ng 40th Infantry (Magiting) Battalion.

Umaabot naman sa 10 ang nasawi sa BIFF at ma­rami ang nasugatan.

Bago lamang ay nag­lunsad ng air to ground assault ang Joint Task Force Central sa mga kuta ng BIFF sa bayan ng Shariff Aguak, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Salibo, Shariff Saydona Mustapha at Ampatuan.

Patuloy namang nada­ragdagan ang bilang ng mga pamilya na lumilikas sa takot na maging collateral damage. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM