$10 BILLION INVESTMENTS, TRADE DEALS

Trade Secretary Ramon Lopez-4

MAHIGIT sa $10 billion na investments at trade deals ang ina­asahang maiuuwi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa Belt and Road Forum sa Beijing.

Ayon kay Trade Secretary Ramon M. Lopez, ang Philippine delegation sa Second Belt and Road Forum ay lalagda sa hindi bababa sa 15 business agreements on food, energy, power, infrastructure, techno­logy and services. Ang investments ay tinata­yang magkakahalaga ng hanggang $10 billion, at lilikha ng may 20,000 trabaho.

“We are vetting groups and their plans and possible agreements on investments and trade,” wika ni Lopez.

Si Lopez ay bahagi ng Philippine delegation na pinamumunuan ng Pangulo, sa forum na dadaluhan ng mahigit sa 40 world leaders at executives ng  multilateral financial institutions. Ang Belt and Road Initiative, na magiging focus ng forum, ay isang multibillion dollar infrastructure program ni Chinese President Xi Jinping, na magta-transform sa malalaking lugar sa Asia sa pagi-ging economic zones at trading routes.

Sa pagtaya, ang Beijing ay gagastos ng  $150 billion kada taon sa mga ekonomiya na tatalima sa plano ni Xi sa pagbuhay sa Silk Road.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang approved investments mula sa China noong nakaraang taon ay umakyat sa P50.69 billion, mula sa P2.33 billion lamang noong 2017. Dahil dito, ang Beijing ay naging pinakamalaking pinagkukunan ng Manila ng foreign investments.

Bukod sa business deals, ang Filipinas ay maaaring lumagda sa China ng limang bilateral agreements sa mga larangan ng education, anti-corruption measures, official development assistant at drug rehabili-tation.    ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.