QUEZON CITY – INARESTO ng Batasan Police Station ang 10 Barangay Public Safety Officers (BPSO) ng Brgy. Commonwealth matapos ireklamo ng isang Catherine Baay ng extortion.
Kinilala ang mga inaresto na sina Benry Pol at Rolando Ferrera ng Brgy. Commonwealth at walo pang kasamahan nila.
Ayon kay Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station, isang entrapment operation ang ikinasa laban sa mga suspek sa Barangay Hall matapos ‘di umano’y manghingi ng pera kapalit ng kalayaan ng mga hinuli ng mga ito at ikulong sa kanilang barangay kahapon ng madaling araw.
Nanghingi umano ng P50,000 sa kaanak ng mga biktima hanggang sa bumaba ito sa P30,000 kapalit ng kalayaan ng mga ito.
Agad namang lumapit sa himpilan ng pulisya ang kaanak ng isa sa mga binibiktima ng mga BPSO kaya rito na nagsagawa ng entrapment operation laban sa mga suspek. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.