HINDI bababa sa 10 business deals ang lalagdaan sa ikatlong pagbisi ta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan ngayong buwan.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, inaasahang lalagda ang Philippine business delegation at ang kanilang Japa-nese counterparts sa dalawang memoranda of understanding at walong letters of intent sa mga larangan ng electron-ics, manufacturing, data analytics, energy, tourism at transportation.
Aniya, ang naturang mga kompanya ay nasa bansa na at nais palawakin ang kanilang operasyon.
“These are big Japanese companies na we cannot also ignore, they still want to express their support and confidence for the current administration and they want to indicate their intent to invest more,” sabi pa ng DTI chief.
Hindi naman sinabi ni Lopez ang tinatayang halaga ng investment pledges at ang bilang ng mga trabahong lilikhain nito.
Anang kalihim, magpapalabas na lamang sila ng report sa deals dahil posibleng hindi masaksihan ni Duterte ang ex-change of agreements.
Bukod dito, isusulong din, aniya, ng bansa ang pagpapababa sa taripang ipinapataw sa banana products na ipinadadala sa Japan upang magkaroon ng mas maraming access sa Japanese market.
Ang Pangulo ay nakatakdang magsalita sa International Conference on The Future of Asia, isang pagtitipon ng political, economic at academic lead-ers mula sa Asia-Pacific region, na nakatakda sa Mayo 30-31.
Ani Lopez, inaasahang tatalakayin ni Duterte ang economic reforms na naglalayong makaakit ng mas maraming foreign investment, at ang security agenda ng bansa.
Inaasahan ding makikipagpulong ang Pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa nasabing pagbisita.
Si Duterte ay unang bumisita sa Japan bilang presidente noong Oktubre 2016. Bumalik siya ng sumunod na taon upang lagdaan ang investment pledges na nagkakahalaga ng $6 billion at makipagpulong kina Emperor Emeritus Akihito at Empress Emerita Michiko.
Comments are closed.