10 COSMETIC PRODUCTS MAY HALONG MERCURY

FDA-COSMETICS

NAG-ISYU ang Food and Drug Administration (FDA) ng  public health warning laban sa 10 cosmetic products na nakitang may halong ammoniated mercury at iba pang mapanganib ng kemikal.

Sa ipinalabas na abiso ng FDA nitong Hunyo 3, inilista ang mga sumusunod na produkto na nasa ilalim ng ASEAN Post-Marketing Alert System: B Plus Miracle Gold Cream, Madame Organic Whitening Arbutin, Turmeric Herbal Cream, Melusma Melasma Brightening Cream, Beauty 3 Night Cream, BeQuala Beauty Quality Lab, Ozzy Mask, Polla Gold Super White Perfects, O-Ping Wink Winner Ping Whitening Cream, at Myrina Night Cream.

Matapos ang post-marketing surveillance ng Cosmetic Control Group ng FDA Thailand, nakita sa laboratory analysis na ang mga produkto ay hindi sumunod sa ASEAN cosmetic directives at nagtataglay ng sangkap na hindi dapat kasali sa cosmetic product.

“Mercury is a naturally occurring heavy metal which is known to be severely hazardous to health even in small amounts,” ayon sa abiso.

Sa kinuhang datos mula sa WHO, sinabi ng FDA na ang pinakamalaking epekto ng pagkalantad sa inorganic mercury ay pagkasira ng kidney, at pagkakaroon din ng skin rashes, skin discoloration, at scarring.

Sa mga buntis naman at nagpapasusong mga ina, maaring malipat ang mercury sa kanilang sanggol na posibleng magresulta sa neurodevelopmental deficits sa mga bata.

“Because of the hazards posed by the aforementioned products, the public is strongly advised to be vigilant and report to FDA … any encounter with these products,” ayon sa FDA.

Maliban sa mercury, napansin ng FDA ang mga sumusunod na sangkap sa mga produkto tulad ng Hydroquinone, Betame-thasone 17-valerate, at Clobetasol propionate, na hindi dapat na sangkap ng cosmetic products dahil ito ay kabilang sa uri ng gamot sa Filipinas.

“Such  adverse effects linked with Hydroquinone use are sensitivity to light, skin redness, and permanent skin discoloration,” sabi pa ng FDA.

“Prolonged use of topical corticosteroids such as Betamethasone 17-valerate and Clobetasol propionate may cause skin atrophy, contact dermatitis, hyperpigmentation, photosensitization, hypertrichosis (hirsutism), and aggravation of cutaneous infection, among others,” dagdag pa nila.

Dahil sa panganib na dala ng cosmetic products, nanawagan ang FDA sa publiko na maging masigasig at i-report agad ang kanilang mga nakikitang produkto.

Puwedeng ipadala ang report sa FDA sa pamamagitan ng email sa [email protected], o tumawag sa (02)857-1900 local 8107 o 8113, o sa kanilang online reporting facility eReport sa www2.fda.gov.ph/ereport.

Comments are closed.