10 DATING NPA INABUTAN NG LIVELIHOOD

BULACAN – INABUTAN ng tig-P20,000 livelihood assistance ang 10 dating mIyembro ng New Peoples’ Army na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ang Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa lokal na Pamahalaan ng Bulacan ay nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinangunahan nina Lt. Col. Ronnel Dela Cruz, Commanding Officer ng 70 Infantry Battalion, 7th Infantry Division,1st Lt. Patricia Louise Ochate, Acting Civil Military Officer ng Philippine Army (PA), at Lamberto Villanueva, Focal DSWD Field Office 3 ang pagbibigay ng tulong pinansyal katuwang ang ilang local government executives.

Ang nasabing financial assistance ay dagdag suporta para sa sampung dating mga rebelde kasama ang kanilang mga pamilya.
THONY ARCENAL