NAKA 10-day alert ngayon ang lahat ng ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council bunsod ng posibleng epekto ng Tropical Storm Nika na umabot na sa Signal Number 4 sa ilang lugar sa hilagang Luzon habang may dalawa pang tropical cyclone na namumuo ang binabantayan.
Tiniyak ng pamahalaan sa sambayanan na nakaposisyon na ang kanilang mga tauhan at mga kagamitan habang nakatutok ang Luzon sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Nika, na nagsimulang manalasa sa Isabela at Northern Aurora kahapon.
Habang papasok naman sa Philippine Area of Responsibility at magiging isang ganap na bagyo si Ofel ngayon Martes na inaasahang lalakas pa ito habang binabagtas ang Philippine Sea bago mag landfall sa northern or central Luzon sa Huwebes.
Kaugnay nito, inatasan ni Department of the Interior and Local Government Secretary (DILG) Jonvic Remulla, vice chair ng NDRRMC ang may 2,500 barangays na direktang tatamaan ni Nika na magsagawa ng preemptive evacuations habang naka standby ang concerned government units.
“We have advised all the governors involved in the 2,500 barangays to be evacuated, especially those prone to floods and landslides,” ani Remulla sa ginanap na pulong balitaan.
“The DSWD has prepositioned the necessary food packs and response facilities. The five airports servicing the region have been notified to clear the vicinity immediately.”
Iginiit pa ni Remulla na noong Biyernes pa naglabas ng babala ang ahensiya.
Binigyang diin nito, ang response scenario nila ay 10-day event na nagsimula noong Biyernes hanggang Lunes bunsod ng posibleng epekto naman ng Tropical cyclones Ofel at Pepito.
“Nevertheless, we are prepared. Information is key. The DENR has identified the barangays most prone to landslides and floods, and the response should be immediate, ” ani Remulla.
“You can see the scenario: between Nov. 11 and 17, we will have three typhoons entering the Philippines, all on the same path,” he explained. “So, between Marce and Pepito, that means four typhoons in 10 days, following the same trajectory,” dagdag pa ng kalihim.
VERLIN RUIZ/EVELYN GARCIA