MAGUINDANAO DEL SUR- PATAY ang sampung miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah habang limang iba pa ang sugatan sa artillery at air attack ng militar nitong Biyernes sa lalawigang ito.
Ginamit ng militar sa kanilang operasyon ang bagong 155 Howitzer cannon, habang binagsakan din ng bomba ang tatkong kuta ng mga terorista sa Liguasan sa Central Mindanao.
Sa isang pahayag, nilinaw ni Army Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division na “calibrated anti-terror operation” ang kanilang isinagawa upang masawata ang anumang masamang plano o balakin ng grupo.
Pito sa 10 nasawing mga terrorista ang nakilala na kabilang ang magkapatid na sina Omar, Mindo at Akmad Samsudin, Sukarno Bantas at tatlong iba pa na may mga alyas na Amier, Bader at Bedu.
EUNICE CELARIO