10% DISCOUNT SA BIGAS IPINAGKAIT SA MAHIHIRAP

BIGAS

GINISA ng mga senador ang opisyal ng National Food Authority na duma­lo sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs ukol sa epekto ng Train Law sa ekonomiya ng bansa.

Sa naturang pagdinig na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian, sinabi ni Dr. Claire Dennis Mapa, dean ng UP School of Statistic, na hindi naipatutupad sa ilalim ng Train Law ang 10% discount sa NFA rice para sa mga mahihirap na mamamayan bukod pa sa mababang presyo nito dapat sa merkado.

Napag-alaman din ng komite na hindi madermina ng gobyerno kung ang mga pinakamahihirap ang nakikinabang sa NFA rice sa merkado.

Hindi naman kontento si Senador Bam Aquino sa naging paliwanag ni NFA Deputy Administrator for Marketing Operations Atty.  Judy Carol Dansal kung bakit hindi naipatutupad ang 10% discount sa NFA rice sa merkado na nakapailalim sa Train Law.

Lumabas din sa pagdinig na nahuli ng ilang buwan ang implementas­yon ng benepisyo ng mga mahihirap na nakapaloob sa Train Law tulad ng unconditional cash transfer at ang Pantawid Pampasada Program tulad fuel voucher.  VICKY CERVALES