(10 ektaryang lupain sa Iriga, Camarines Sur) PUWEDENG PAUPAHAN NI ATE GUY SA MGA MAGSASAKA

NAKAPUNTOS na si Nora Aunor sa kapamilyang umangkin sa kanyang malawak naentra eksena lupain sa Iriga City, Camarines Sur.  Iyon ang ipinundar para sa kanya ng kanyang namayapang Mamay Antonia o Tunying mula sa kanyang kita sa pag-aartista.

Dahil panalo na sa kaso, ay nagmamay-ari na ngayon ng 10 hectares na lupain si Ate Guy sa Iriga at sa katunayan ay nagbayad siya ng amilyar nu’ng magpunta siya sa Iriga.

Sa interview sa superstar ay wala pa siyang sinasabi kung ano ang balak niya sa napakalawak na lupain pero may ilang nagbigay ng payo sa kanya na puwede niyang ibenta ang ilang ektarya at ang natitirang bahagi ay puwede namang paupahan ng actress sa mga magsasaka.

Sana ‘yung mapagbebentahan ng lote ay ibili na ni Ate Guy ng sarili niyang bahay, nang hindi na siya mangupahan. Malapit na palang mapanood si Ate Guy sa teleseryeng “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” sa GMA.

MARISSA DEL MAR AT DEPUTY SPEAKER CONG DAN FERNANDEZ SANIB-PUWERSA SA ISANG PROYEKTO

DAHIL matagal na namayagpag si Marissa del Mar, sa kanyang mga show sa television ay unti-unti na ring nakikilala ang isa sa iniendorso at pinamamahalaang Chanti Gem Jewelry.

Yes, hindi sila nawawalan ng customer at majority ng  kanilang clients ay kilala si Marissa  ng mga rich na siyang bumibili ng expensive na items. May karapatan talaga si Marissa na maging first ambassadress at presidente ng Chanti Gem, dahil malakas ang hatak niya sa tao.

Pagdating sa jewelry collection ay dito niyo lang mabibili ang exquisite emerald, precious serpenti ruby collection, money coach at good luck ele-phant bracelet na pawang limited lang.

Ang Chanti Gem Jewelry ay located sa 2nd Floor ng Ayala Malls Manila Bay, Macapagal Boulevard, Pa­rañaque City. Makikita niyo rito ang magandang daughter ni Ms. Marissa na si Princess Adriano na mag-a-assist kapag bumisita kayo sa nasabing shop.

By the way, kama­kailan ay bumisita pala si Marissa sa  Congress para makipag-meeting kay Deputy Speaker Cong Dan Fernandez. We heard na magsasanib-puwersa sila ni Cong Dan para sa isang makabuluhang proyekto.

BOSSING VIC  AT JOEY DE LEON WALANG KUPAS; JOWAPAO BEST MALE TV HOST SA 51ST BOX OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

MAHIGIT apat na dekada na ang Eat Bulaga sa telebisyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakalawang sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon sa pagho-host ng iba’t-ibang segment ng kanilang noontime show lalo na sa “Bawal Judgmental.”

Maliban sa kanilang galing at pagiging funny, kapwa mahusay sina Bossing Vic at Joey sa kanilang adlib. Iba talaga ang mga host noon na tulad nila na nahasa ng todo. Ang isa pang kabibiliban mo ay never nagkawatak ang dalawa at kung wala lang sa mundo ng politika si Senator Tito Sotto, ay siguradong araw-araw din mapanonood sa Bulaga.

Pero tuwing may special na okasyon o anibersaryo ng kanilang show ay always present naman si Tito Sen. Siyempre maliban kina Tito, Vic and Joey ay pawang mahuhusay rin ang kanilang co-EB Dabarkads.

Congrats sa JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo) at sila ang nahirang na  Male TV host of the Year sa 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Comments are closed.