SAMPUNG Filipino-Americans, sa pangunguna ni Brazil Olympian at Asian Athletics champion Eric Shawn Cray, ang isasabak ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30- Disyembre 11.
Ayon kay PATAFA president Philip E. Juico, ito ay para lumaki ang tsansa ng bansa na manalo ng maraming medalya at mahigitan ang medalyang nakuha sa Malaysia noong 2017.
“In the last SEA Games in Malaysia, we fielded five Fil-Ams. Since we are the host, we’ll take advantage of fielding 10 high calibre Fil-Ams athletes primarily to win many medals,” sabi ni Juico.
Umaasa ang dating PSC chairman na mahihigitan ng kanyang mga bataan ang limang ginto na napanalunan sa Malaysia dahil maraming atleta na maglalaro, bukod sa Fil-Ams, ang may kakayahang manalo.
Bukod kay Cray, lalahok sa kanyang paboritong event na 400m hurdles na kanyang dinomina sa Asian Athletics na ginawa sa India, sina Nathalie Uy, Thomas Morrison, Robyn Brown, Cater Lily, Kistina Knott, Trenten Anthony Beram at twin sisters Kyla at Kayla Richardson.
Sina Uy at Nicolas ay sasabak sa pole vault, kasama si homegrown talent at veteran Riezel Bernardino, Kyla, Kayla at Knott sa 100m at 200m, Beram 200m, Lily sa 400m, 800m at 1500m, Brown sa 100m hurdles, at Morrison sa discuss throw.
Pinalitan ni Morrison si Caleb Stuart na gumawa ng record noong 2015 SEA Games sa Singapore.
Makikipag-alyansa ang mga Fil-Am sa mga local, sa pangunguna nina Brazil Olympian Mary Joy Tabal, Mark Harry Diones, Aries Toledo, Ernest John Obiena, Edgardo Alejan, Archand Christian Bagsit, Immuel Camino, Jomar Udtohan, Mervin Guarte, Christopher Ulboc, at Junry Ubas at Joan Caedo.
Sina Tabal, Obiena, Diones at Toledo ay gold medallists sa nakaraang SEA Games at inaasahang muli nilang dodominahin ang kanilang pet events.
Sina Diones, tubong-Bicol, at Toledo ng Nueva Ecija, ay nagtala ng bagong meet records sa triple jump at decathlon, ayon sa pagkakasunod.
Ang athletics ang may pinakamaraming medalyang nakataya na mahigit 40 kasunod ang swimming. CLYDE MARIANO
Comments are closed.