10 FILIPINO SEAFARERS DINUKOT SA GUINEA

GUINEA GULF

PASAY CITY – KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdukot sa sampung Filipino seafarers ng armadong kalalakihan sa Gulpo ng Guinea sa magkahiwalay na hijacking incidents.

Ayon sa Philippine Embassy sa Nigeria, ang dalawang Filipino seafarers ay nakasakay sa container ship na isang Liberian-flagged kasama ang 11 crew members ay dinukot ng mga pirata noong October 27.

Ang walong Pinoy naman ay lulan ng ­Panamanian-registered tanker at kasama ang siyam na crew members na dinukot ng mga pirata  noong October 29.

Hindi naman tiyak kung iisang grupo lamang ang nang-hijack sa magkaibang barko.

Sa ulat, ang piracy at ransom kidnappings sa Filipino sailors ay isang malaking banta at problema sa Philippine government dahil sa kakulangan ng monitoring nito sa mga barkong sinasakyan ng mga seaman.      EUNICE C.

Comments are closed.