10 FISCALS SA NARCO LIST IIMBESTIGAHAN NA NG DOJ

DOJ

PANGUNGUNAHAN mismo ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang imbestigasyon sa 10 prosecutors na sinasabing kasama sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nabatid na humingi na ang Department of Justice (DOJ) ng kopya mula sa PDEA ng listahan ng mga sinasabing ‘narco-prosecutors.’

Ayon kay Guevarra,  bukod sa verbal request nila sa PDEA para sa kopya ng nasabing listahan, isasapormal nila ito ngayon at magpapadala ng liham sa tanggapan ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino.

“We need a copy of that list implicating prosecutors and judges.  Then we’ll determine if there’s sufficient basis to conduct a further investigation.  If in the affirmative, I will endorse the matter to the NBI (National Bureau of Investigation) for a full-blown investigation and, if evidence warrants, for the filing of the appropriate criminal complaint.”

Sa sandaling maibigay na ng PDEA ang pangalan ng mga prosecutor at may matibay na ebidensiya laban sa mga ito ay gusto niyang siya mismo ang mangunguna sa fact-finding investigation.

Aniya, kung papayag din ang PDEA na magbigay ng initial intelligence information laban sa mga prosecutors ay handa rin ang Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng parallel  investigation dito.

Nanindigan si Guevarra na mahigpit na ipatutupad ng DOJ ang zero tolerance policy sa government officials na sangkot sa ilegal na droga, alinsunod na rin sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.