IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat ang 10 high-profile na mga bilanggo sa Philippine Marines headquarters mula sa New Bilibid Prison (NBP).
Inamin ni Pangulong Duterte na nais lamang niyang matiyak ang seguridad ng nasabing mga bilanggo dahil sila ang mga pangunahing testigo laban kay Senadora Leila De Lima sa kasong illegal drugs sa loob ng NBP.
Anang Pangulo, mayroong mga tauhan umano si De Lima na sangkot din sa illegal drugs na nakakulong pa rin sa loob ng NBP.
Dahil dito, nangangamba ang Pangulo para sa mga 10 testigong preso na baka patayin ang mga ito sa loob ng NBP sa mga darating na araw na maging dahilan para mawalan ng witness ang gobyerno labay kay De Lima.
Si De Lima ay nakakulong pa rin sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa kasong illegal drugs at naging justice secretary sa panahon ng Aquino administration.
Binigyang diin pa, ang NBP ay ang kulungan ng Filipinas na pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice.
Comments are closed.