10 INFRA LOAN DEALS LALAGDAAN NG PH, CHINA SA NOBYEMBRE

Chinese President Xi Jinping

MAY 10 loan agreements para sa mga proyektong pang-imprastruktura ang nakatakdang lagdaan sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Filipinas sa Nobyembre, ayon kay Budget Secretary Benjamin E. Diokno.

Ang loans ay gagamitin para pondohan ang 10 big ticket infrastructure projects sa ilalim ng ‘Build Build Build’ progam ng administrasyong Duterte.

“At least 10 siguro… These are all 10 loan agreements to be signed for projects,” wika ni Diokno sa isang breakfast forum sa Manila.

“The agencies are reser­ving it for November during President’s Xi’s visit… After Papua New Guinea, he will pass by Philippines,” sabi pa ng kalihim.

Kabilang sa mga proyekto ang New Centennial Water Source-Kaliwa Dam, na nagkakahalaga ng P12.2 billion o $228.25 million;North-South Railway-South Line (Long Haul), P175.3 billion o $3.279 billion; Safe Philippines Phase 1, P20.313 billion o $380.05 million; at Subic-Clark Railway, na nagkakahalaga ng P57.163 billion o $1.069 billion.

Sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong 2016 ay nangako ang China na magkakaloob ng $9 billion loans para sa mga proyektong pang-imprastruktura ng Filipinas.

Magmula noon ay isang loan agreement pa lamang ang nalagdaan ng dalawang bansa – ang Chico River Pump Irrigation project na nagkakaha­laga ng P4.372 billion o $81.81 million.

Ayon sa DBM, ang iba pang proyekto na popondohan sa ilalim ng loan agreement ay nananatiling ‘confidential’ at hindi pa maaaring ibunyag sa publiko. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.