10 KANDIDATO DADALO SA PANEL INTERVIEW NG COMELEC AT KBP

ANIM na kandidato sa pagka-pangulo ang kumpirmadong dadalo sa panel interview ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kabilang sa mga dadalo ay sina Sen. Manny Pacquiao, dating Sec. Ernesto Abella, Leody De Guzman, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato at Dr. Jose Montemayor Jr.

Para naman sa Vice Presidential candidates, kumpirmadong dadalo sina Senate President Tito Sotto, Rizalito David, Manny Lopez at Carlos Serapio.

Ang panel interview na isasagawa ng KBP at Comelec ay siyang kapalit ng nabasurang Pilipinas Debates ng Comelec.

Una nang sinabi ni Garcia na taped as live na i-eere ang mga interview at walang editing na gagawin.

Ipapalabas sa television ang panel interview sa Mayo 2 hanggang Mayo 6.

Nabatid na hindi na itatanong ng panel ang plataporma ng mga kandidato sa halip ay bakit iyon ang napili nilang plataporma.

Umapela ang Comelec sa mga kandidato na dumalo sa panel interview dahil sa makatutulong ito sa kanilang kandidatura at lalo na sa mga botante. Jeff Gallos