10 KATAO SA ISABELA POSITIBO SA COVID-19 

positive

CAUAYAN CITY- SAMPU katao ang naitala kahapon na positibo sa COVID-19 sa lalawigang ng Isabela.

Base sa talaan ng pamahalaang panlalawigan, tatlo sa mga bagong kaso ang mula sa bayan ng Cordon, dalawa  sa Ilagan City habang tig-iisa sa Cauayan City , Santiago City, mga bayan ng Gamu, Roxas at San Mariano.

Gayunpaman, mayroon naman na 47 ang gumaling kaya bumaba na sa 249 ang aktibong kaso sa Isabela.

Nabatid na apat ang Returning Overseas Filipinos, anim ang non-authorized persons outside residence, 20 ang health workers, lima ang pulis at 214 ang mula sa local transmission.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakakilangan.

Comments are closed.