10 KAWANI NG PASAY CITY GENERAL HOSPITAL NA-COVID

KINUMPIRMA ng Pasay City General Hospital (PCGH) na sampu sa kabilang mga empleyado ang nagpositibo ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Jonvic De Gracia, officer-in-charge of PCGH, isa sa 10 nilang empleyado ang nagpositibo sa CO­VID-19 ay na-admit dahil moderate risk lamang ito habang ang siyam pang nakumpirmang nahawahan ng virus ay dinala na sa isolation facility at kasalukuyang nasasailalim sa quarantine.

Sinabi ni De Gracia na nakikipag-ugnayan na rin sila sa UP-PGH at One Hospital Command Center para sa paglipat ng mga pasyente ng COVID-19 dahil hindi na nila kayang tumanggap pa ng kahalintulad na pasyente dahil nakamit na ng naturang ospital ang full capacity simula alas- 7 pa ng umaga kahapon.

Aniya,kahapon ng umaga ay 100% full bed capacity na ang PCGH para sa mga pasyente ng COVID-19.

Napag-alaman din kay De Gracia, ang PCGH ay nakapagtala ng 2 morbidities na parehong may sakit na matinding pneumonia na may kaakibat na co-morbitidites at mayroon din na isang pang pasyente sa emergency room na nasa isolation.

”As an option to help our residents afflicted with the disease we are now coordinating with the UP-PGH or at the DOH One Hospital Command Center for possible admission of COVID patients in the city,” ani De Gracia. MARIVIC FERNANDEZ

3 thoughts on “10 KAWANI NG PASAY CITY GENERAL HOSPITAL NA-COVID”

  1. 109262 465116Thanks for this fantastic post! It has long been really valuable. I wish that youll carry on posting your wisdom with us. 956141

Comments are closed.