MAGIGING fully operational na ang first 10-kilometer segment ng Cavite-Laguna Expressway (CALAEx) simula bukas, tamang-tama para sa Christmas break, ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
“Starting next week, fully operational na siya… by Monday. Pipilitin natin na fully operational na before Christmas,” wika ni Villar sa final inspection ng 10-kilometer section ng CALAEx.
Ang bahagi mula Mamplasan Toll Barrier hanggang Santa Rosa-Tagaytay Interchange ay bahagyang binuksan para sa mga motorista noong Oktubre, na may access schedule na Linggo hanggang Huwebes, 6 a.m.-6 p.m. at extended time sa weekends— Biyernes at Sabado – 6 a.m.-10 p.m.
“I have already requested the concession company, MPCALA Holdings to keep this section open and so that our holiday goers can continue to enjoy this short cut from Manila to Tagaytay City. We all know that Tagaytay is a traditional Christmas holiday destination and this is our way of making family road trips as convenient as possible,” ani Villar.
Ang 10-kilometer Mamplasan Toll Barrier sa Santa Rosa-Tagaytay Interchange section ay kumakatawan sa ika-4 ng 45-kilometer CALAEx.
Ang biyahe mula Mamplasan hanggang Sta. Rosa-Tagaytay Road ay bibilis sa 10 minuto mula sa 45 minuto at inaasahang mapakikinabangan ng 10,000 motorista araw-araw.
Ang nalalabi sa 45-kilometer CALAEx ay kasalukuyang ginagawa at ang kumpletong 2×2 lane expressway ay magkakaloob ng high speed alternate route sa pagitan ng CAVITEX sa Kawit, Cavite at ng South Luzon Expressway (SLEx) sa Mamplasan Inter-change sa Biñan, Laguna.
Ang CALAX ay magkakaroon ng walong interchanges – Kawit, Open Canal, Governor’s Drive, Silang, Silang East, Sta. Rosa-Tagaytay, Laguna Blvd., at Laguna Technopark.
“The CALAX showcases advanced tolling technology and features the new Automatic License Plate Recognition System that, for the first time, enables motorists to enjoy barrier-free entry into the expressway system and eliminates queuing at both entry/exit points. The traffic management system will feature strategically installed (IP Based) Speed Detection Cameras and High Definition CCTV system to ensure motorist safety and quick emergency road side services,” pahayag ni MPCALA Holdings president Roberto Bontia.
“We also expect CALAEx to further boost the development of the fast growing areas south of Metro Manila,” aniya.
Sinabi ni Villar na ang 10-kilometer section ng toll road ay padaraanan sa mga motorista nang libre hanggang sa Pebrero 2020.
Ang 45-kilometer CALAEx ay isang four-lane, expressway na magkokonekta sa Cavitex sa Kawit saSouth Luzon Expressway sa Mamplasan Interchange sa Biñan, Laguna.
Target ng DPWH na makumpleto ang 45-kilometer expressway sa 2021.