10 LUGAR NA NAKAPAGTALA NG PINAKAMATAAS NA LEBEL NA INIT

HOT WEATHER-3

MAYROONG sampung lugar sa bansa ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index o mapanganib na lebel ng init.

Sa inilabas na datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang San Jose City sa Occidental Mindoro ang nakapagtala ng may pinakamataas na heat index na nasa 45.3 degrees Celsius.

Maliban dito, nakapagtala rin ng mataas na heat index ang Amulong, Batangas na nasa 44.4 degrees Celsius, Sangley Point, Ca-vite na nasa 43.9 degrees Celsius, NAIA sa Pasay City – 43.7 degrees Celsius, Butuan City sa Agusan del Norte – 42.7, Casiguran, Aurora – 42.7 degrees Celsius, Guiuan, Eastern Samar – 42.7 degrees Celsius, Cotabato City, Maguindanao – 42.6 degrees Celsius, Dipolog City, Zamboanga del Norte – 41.9 degrees Celsius, habang 41 degrees Celsius naman ang naitalang heat index sa Davao City.

Samantala, naitala naman sa Port Area sa Maynila kahapon ang heat index na nasa 39 degrees Celsius. DWIZ 882