LUMITAW na sampu ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa sampung lugar sa National Capital Region (NCR).
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na 128 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa Metro Manila noong Biyernes, Marso 18.
Sa nasabing bilang, 28 bagong COVID-19 cases ang naitala sa City of Manila; 20 sa Quezon City; tig-11 sa Caloocan City, City of Makati, at Pasay City, habang 10 sa City of Parañaque.
Sa Pasig at Taguig ay may tig- 8 kaso, 4 sa City of Muntinlupa, 4 sa Valenzuela, tig-3 sa Las Piñas at Malabon, tig-2 sa Marikina at San Juan, isa sa Pateros.
Wala namang napaulat na bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City.