MAHIGIT sa 10 milyong COVID-19 vaccines na ang nai-administer ng pamahalaan sa mga mamamayan, halos apat na buwan simula nang umpisahan ng pa ang vaccination program noong Marso.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, nabatid na hanggang nitong Hunyo 27, ay umaabot na sa kabuuang 10,065,414 doses ng bakuna ang naiturok nila sa mga mamamayan.
Sa naturang bilang, 7,538,128 ang first doses habang 2,527,286 naman ang second doses o fully vaccinated na.
Kabilang sa nabigyan ng first dose ng bakuna ay 1,669,660 na health workers; 2,288,221 na senior citizens; 2,566,460 na persons with comorbidities; 829,662 na economic frontliners at 184,125 na indigents.
Kabilang naman sa mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna o fully vaccinated na ay 1,131,498 na health workers; 672,602 na senior citizens; 710,846 na persons with comorbidities at 12,340 na economic frontliners.
Sa nakalipas namang pitong araw, ang average daily administered doses ng bakuna ay umabot ng 236,867.
Target ng pamahalaan na makapagturok ng mula 58 milyon hanggang 70 milyong bakuna bago matapos ang taon upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19. Ana Rosario Hernandez
616741 692801This is going to be a great internet site, may possibly you be interested in performing an interview about how you developed it? If so e-mail me! 272417
887719 376283I take excellent pleasure in reading articles with quality content. This article is one such writing that I can appreciate. Keep up the very good work. 676387
951629 214368Thank you for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research on this. We got a grab a book from our location library but I feel I learned much more clear from this post. Im quite glad to see such exceptional info being shared freely out there. 77935