10-M SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM, MAGPAPALAKAS SA ANI NG FARMERS

solar

INAASAHANG magbibigay ng karagdagang ani sa mga magsasaka  ang ipinatayo ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pakikipagtulungan sa National Irrigation Administration (NIA), ng isang solar-powered irrigation system (SPIS) na nagkakahalaga ng P10 mil­yon.

Ang SPIS ay pormal na ipinagkaloob ng DAR sa pangunguna ni Assistant Secretary at kasalukuyang Calabarzon Regional Director Rene Colocar sa Irrigators Association ng Brgy. Talisay, San Andres, Quezon.

Sinabi ni Colocar na sa pamamagitan ng SPIS, mareresolba ang problema sa tubig ng 81 na agrarian reform beneficiaries (ARB) at mga hindi ARB na naninirahan sa Pansoy, Mangero, Talisay Agrarian Reform Community (PAMATA ARC).

“Ito ay isang araw ng pasasalamat at pagdiriwang. Ang PAMATA ARC ay may kabuuang sukat na 3,075 ektarya at may 1,638 ARBs. Ang proyekto pong ito ay 41.38 ektarya lang ang sakop at may karagdagang 81 ARBs. Ibig sabihin, malaki pa ang oportunidad para palawakin ang proyektong ito,” ani Colocar.

Ipinaliwanag pa ni Colocar na ang ipinagawang SPIS ay magpapataas ng produksiyon ng bigas at mais sa lugar dahil posible na ngayong magtanim ang mga magsasaka ng tatlong beses sa isang taon, hindi tulad ng dati noong walang SPIS na ang mga magsasaka ay nag-aani lamang ng dalawang beses sa isang taon.

“Sa patubig na ito, hindi na aasa sa ulan lamang ang mga magsasaka,” saad ni Colocar.

Sinabi naman ni Alden Terana, Pangulo ng Irrigators Association ng Brgy. Talisay, na ang SPIS ay magiging isang malaking tulong sa kanilang produksiyon ng bigas at mais.

Ayon kay NIA Engr. Romeo M. Lopez, ang SPIS ay mayroong 36 na yunit ng 220 solar panels at 3 yunit ng 2 horsepo­wer solar pump na maaa­ring maglabas ng halos 50 cubic meter ng tubig kada oras.

“Ang nakaimbak na tubig ay dumadaloy sa isang kanal na umaabot sa halos 1.1km ng pangunahing kanal at 0.47 km ng lateral canal. Gamit ang enerhiya mula sa araw, ang SPIS na ito ay maghahatid ng isang taong suplay ng tubig para sa mga palayan sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan,” paliwanag ni Lopez.

Ang proyekto ay ipinatupad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Irrigation-Component (CARP-IC) ng DAR na nakatuon sa pagpalakas sa  pagiging produktibo ng agrikultura at pagpapabuti ng buhay ng mga magsasaka. BENEDICT ABAYGAR, JR.

168 thoughts on “10-M SOLAR POWERED IRRIGATION SYSTEM, MAGPAPALAKAS SA ANI NG FARMERS”

  1. Everything information about medication. Read now.
    ivermectin 6
    What side effects can this medication cause? Everything information about medication.

  2. drug information and news for professionals and consumers. drug information and news for professionals and consumers.
    https://nexium.top/# cost of cheap nexium for sale
    Everything about medicine. Get here.

  3. What side effects can this medication cause? Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    viagra walmart prices
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Read here.

  4. Everything information about medication. п»їMedicament prescribing information.
    cheap tadalafil online
    drug information and news for professionals and consumers. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

Comments are closed.