10 ‘MAGDALENA’ NAISALBA SA 2 VIDEOKE BAR

Bugaw

CAGAYAN – SAMPUNG  babae at isang menor ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkahiwalay na operasyon sa Tuguegarao City.

Ayon kay Atty. Gelacio Bongangat, Regional Director ng NBI-Region 2 sa halagang P1,600 hanggang P2,000 ay ibinubugaw umano ng nagma-may-ari ng bar ang mga biktima.

Sa naturang operasyon, naaresto ang may-ari ng isang bar na nakilalang si Romeo Soriano at cashier sa dalawang bar na sina Michelle Ramos at Amelita Clemente makaraang tumanggap ng marked money bilang kabayaran sa dalawang napiling babae ng NBI na nagpanggap bilang kustomer.

Sinabi pa ni Dir. Bongangat na nakatakas ang ilan sa mga menor na babae na pinaniniwalaang nagtatrabaho ang mga ito bilang mga GRO  nang isagawa ng kanyang mga tauhan ang operasyon.

Iginiit naman ng mga suspek na hindi nila alam na may menor na nagtatrabaho bilang GRO sa kanilang bar. IRENE GONZALES

Comments are closed.