TARLAC -KULONG ang may-ari ng isang resto bar at cashier na nagsisilbing bugaw matapos isagawa ang entrapment operation ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa isa resto-grill sa Manguera Highway Brgy. Cristo Rey sa bayan ng Capas sa lalawigan ng Tarlac.
Sa report ni P/Maj. Arnel Viloria, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Marilou Tanangonan, 43 may-ari ng sex den, at ang 28,- anyos, cashier ng restor bar.
Ganap na alas-12: 00 ng madaling araw nang madakip ang dalawa at masagip ang 10 kababaihan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nagkakahalaga ng P1,500 ang room na gamit ay electric fan habang P1,800 ang aircondition room.
Nabatid na sa bawat kliyente ng halagang P1,000 lamang ang napupunta sa mga babae habang ang malaking halaga ay pinaghahatian umano ng may-ari at sa cashier.
Ayon kay PLt. Col. Olive Sagaysay, kasong sex trafficking ang isasampang kaso ng CIDG sa may-ari ng Resto Bar, na dati nang naaresto sa kaparehong kaso noong 2011.
Ayon naman sa mga nasagip na kababaihan serbidora ang kanilang trabaho subalit hindi raw nila akalain na aabutin nila ang pagbebenta ng laman dahil na rin sa matinding epekto ng pandemya. Thony Arcenal