10 MENOR NASAGIP NG “OPLAN SAGIP ANGEL’’

bar

ISABELA – Nagsagawa ng ‘’OPLAN SAGIP ANGEL’’ ang pinagsanib na puwersa ng Isabela Criminal Investigation  and Detection Group, Isabela Police Provincial Office Women and Children Protection Group Provincial Intelligence Branch at Cauayan City Police Office na pinamumunuan ni P/Supt. Nelson Vallejo, makaraang masagip ang sampung kababaihan pawang mga menor na nagtatrabaho bilang mga guest relation officer (GRO) sa isang bahay aliwan sa may Barangay San Fermin, Airport Area, Cauayan City, ng nabanggit na lalawigan.

Nakilala ang naaresto na siyang namamahala ng bahay inuman, aliwan sa isinagawang oplan sagip angel sina Gemalyn Marie Adolfo 32, Bar Manager residente ng Fairvew, Quezon City at si Sherly Dendal, Floor Manager residente ng Tondo, Manila at kapuwa pansamantalang naninirahan sa may Barangay San Fermin, Cauayan City.

Bago isinagawa ang pag-aresto sa dalawang suspek na namamahala sa nasabing bahay aliwan, may mga text na natatangap ang himpilan ng pulisya na umano’y may mga kababaehang mga menor na nagtatrabaho sa mga Bar sa nasabing lugar, na ang nagrereklamo ay ang mga asawa ng mga lalaking nagiging kostumer ng mga bahay aliwan sa lugar ng Airport  Area.

Nasa pag-iingat na ng CIDG Isabela ang mga inarestong suspek at ihihahanda na ang kasong paglabag sa ‘’Republic Act 9208’’ o ‘’Anti Traf­ficking in Person sa dalawang namamahala, habang ang mga nasagip na pawang menor de edad ay isinasaayos na upang makauwi na sila sa kanilang mga magulang.

Lubos namang nagpapasalamat si City Mayor Bernard Faustino La Madrid Dy, sa pamunuan ng PNP Isabela, matapos na maaresto ang dalawang suspek at masagip ang mga batang babae na pawang mga menor.   IRENE GONZALES

Comments are closed.