KUNG ating aalamin ang mindset ng mga mayayaman sa mundo, madidiskubreng may mga common attitude sila at iyon ang dahilan kung bakit angat ang kanilang pamumuhay kumpara sa ordinaryo.
Sabi nga ni Earl Nightingale, “you become what you think about.”
Ibig sabihin sa mindset nakasalalay ang pagyaman ng isang tao.
Para maabot mo ang nais mong pagyaman, nagsaliksik ang PILIPINO Mirror sa iyo at narito ang 10 mindset para umunlad ka.
- Huwag magsalita ng imposible. Lahat ng bagay, basta mabuti ang layunin at pamamaraan, may tiyansang mapagtagumpayan.
- Lumayo sa nega. Kapag ang iyong kausap ay laging may duda at mabilis manghusga ng masama sa kapwa, talikuran mo na. Dahil ang mga taong nega ay malakas makahawa.
- Mag-ipon. Kaya nabibigo ang iba sa pagyaman, mas nais nila ng mataas na suweldo at kina-ligtaan na palaguin ang asset. Tandaan, mas angat ang malaki ang asset kaysa suweldo.
- Sa pagtatayo ng negosyo, gamitin ang asset at hindi ang suweldo. Dahil malamang sa hindi, pagmamalasakitan mo ang paglabas ng asset kaya gagawa ka ng paraan para bumalik at madagdagan ito, hindi gaya sa suweldo na inaasahan mong babalik sa susunod na payroll kaya konti lang ang pagnanais mong bumalik ito.
- Mag-isip bago bumili. Tukuyin ang kailangan at gusto.
- Mag-invest at pera ang dapat magtrabaho sa iyo. Ibig sabihin, huwag maghabol sa pera, lalong lalayo kaya mas mabuting ang pera ang humabol sa iyo.
- Hanapin ang oportunidad at panganib saka tanggapin ang reward. Hindi maaring laging takot. Sa halip na magpokus sa reward nag-iisip na “paano kung hindi mag-klik ang negosyo,” ‘wag ganun mars, ‘wag nega, dapat laging isipin, puwede!
- Huwag mag-aksaya ng oras sa social media, time is gold. Dapat ‘yung may kapupulutang aral para sa pag-asenso ang panoorin.
- Mag-set ng mas maikling panahon sa goals. Huwag mong tularan si Juan na naghintay na bumagsak ang oportunidad. Kung kaya mong i-shortcut ang pag-angat, do it now.
10 . Nasa quality ng mindet ang pagyaman at tandaan, hindi sa rami ng pera kundi sa asset.
Comments are closed.