10 MILYONG ESTUDYANTE NAKAPAG-ENROLL

Leonor Briones

UMABOT na sa halos 10 milyong estud­yante ang nakapag-enroll sa loob lamang ng isang linggo.

Ipinaabot ni Education Secretary Leonor Briones sa Senado na resulta ito ng magandang kooperasyon ng Lehislatura at LGUs lalo na sa barangay level.

Ayon kay Briones, ang 10 milyon ay katumbas na ng halos 40% ng kanilang target enrollment para sa school year 2020 -2021.

Iniulat din ng kalihim sa Senado na marami nang LGUs ang nangako ng tulong para sa mga estud­yante at mga guro lalo na sa isyu ng gadgets na gagamitin sa online schooling. DWIZ882

Comments are closed.