10 NPA SUMUKO SA NCRPO

SA gitna ng 50th Martial Law Anniversary, sampung miyembro ng CPP/ NPA -CTG (Communist Terrorist Group) ang kusang loob na sumuko at naglatag ng armas kay NCRPO ARD BGen. Jonnel Estomo kahapon ng umaga sa Lupang Pangako, Phase 2, Covered Court, Brgy. Payatas, Quezon City.

Kinilala ang mga sumuko na sina @Ka Roger, miyembro ng L1, KP3- Sorsogon; @Ka Primero, miyembro ng L1, KP5- Sorsogon; @Ka Velyn, ng L1, KP3- Sorsogon; @Ka Darrio, miyembro ng L1, KP1- Camarines Norte; @Bunso, L1, (Central) under @Bryan Masamoc and @Daddy TN Raul Tolingin; @Ka Beng, Platoon 3, L2, KP4 finance office (2007) (S4) under @Rading, Medical Staff under @Bukbok/Rowen (2008) TN Dindo Monsanto; @Ka Jomari Platoon 3, L2, KP4 SPARU member under @Arlan, Ed Ricky, Tito; @Junjun, Platoon 3, L2, KP4, sa ilalim ni @Daddy, Julie, JK, Ryan;
@Janjan, Platoon 3 L2, KP4 sa ilalim ni @Emman at @Daddy;at @Ka Roy, Platoon 1, L2, KP4 CO.

Boluntaryong ibinigay ng mga sumukong NPA ang kanilang high powered firearms at explosives kabilang ang isang 5.56 rifle na may anim (6) short magazine at 122 rounds ng 5.56 ammunitions, 4 rounds ng 40mm grenade launcher; Isang sumpak na may 18 rounds ng 12 gauge shotgun ammo; Dalawang shotgun na may 36 rounds ng 12 gauge shotgun ammo; Dalawang 38 cal revolver na may 2 ammo.

Mainit na tinanggap ni Estomo ang pagbabalik-loob mga ito sa gobyerno sa pamamagitan ng panunumpa ng Katapatan sa Republika ng Pilipinas. Bilang patunay, ibinahagi ng mga miyembro ng makakaliwang grupo ang kanilang mga patotoo, hinggil sa mga mapanlinlang na pangako at mapait na karanasan nila sa loob ng kilusan.

Binigyang-diin sa okasyon ang Inter-agency na no “Serbisyo Caravan” na pinangunahan ng National Intelligence Commission Agency (NICA) JRTF-NCR sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Technical Education and Skills Development ( TESDA), NCRPO Regional Medical & Dental Unit (RMDU) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa lugar na may parehong layunin na makapaghatid ng tunay na serbisyo publiko sa pagdadala ng mga hakbangin ng pamahalaan, mga programang pangkabuhayan, tulong at serbisyo sa mga residente ng Barangay. Ang mga libreng serbisyong inaalok sa caravan ay, medikal na konsultasyon, dental check-up, libreng gupit, libreng tuli, PNP NUP Recruitment at iba pa nilang pangangailangan.

Sinabi ni Estomo sa mamamahayag na ang mga sumukong ito ay nagpadala ng mga feeler noon pa man sa kanyang panunungkulan bilang Regional Director ng Police Regional Office 5 sa Bicol Region ngunit pansamantalang nabawasan ang kanilang sigla nang lumipat siya ng assignment sa NCR. Alam na sila ay Ligtas sa S.A.F.E. NCRPO, itinuloy nila ang kanilang planong sumuko at ibinaba ang kanilang mga armas. EVELYN GARCIA