10 NPA TODAS SA SAGUPAN VS MILITAR

NUEVA ECIJA- UMABOT na sa sampung miyembro ng New Peoples Army ng Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ang nasawi makaraang makipagsagupaan sa mga tauhan ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, Philippine Army sa Brgy. Malbang sa bayan ng Pantabangan sa lalawigang ito nitong hapon ng Miyerkules.

Ayon kay Brigadier General Joseph Norwin D. Pasamonte PA, Commander of the 703rd Infantry (Agila) Brigade, Philippine Army, positibong pagtugon ng komunidad sa hangarin ng kapayapaan.

At sa patuloy na combat operations ng 84IB sa Sitio Marikit East, Brgy. Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya nitong Hunyo 20 ang sanhi ng pagkasawi ng mga NPA.

Ayon kay Army Lieutenant Colonel Jerald Reyes, Commanding Officer, 84IB, wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na NPA.

Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang tatlong M14 rifles, 6 M16 rifles, isang M16 with M203 attached rifle, at isang low-powered firearm, at mga subersibong dokumento ng kilusan.

Samantala, patuloy ang clearing operation ng militar sa naturang barangay. THONY ARCENAL