NA-INTERCEPT ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sampung Overseas Contract Workers (OFWs) na hinihinalang mga biktima ng human trafficking.
Sa tulong ito ng Inter-Agency Task Force on Human Trafficking at Senadora Risa Hontiveros bunsod na rin sa kaduda-dudang layunin nitong sampung OFWs sa pagpunta sa Singapore.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, nasakote ang mga ito noong Biyernes habang pasakay sa kanilang Cebu Pacific flight patungong Singapore.
At batay sa report na nakarating sa tanggapan ng ahensiya, ang mga biktima ay nasa edad 20 hanggang 30 at na-recruit umano bilang mga entertainer ngunit, hahantong bilang mga sex workers sa Singapore.
Sa isinagawang initial investigation nagkunwaring bilang mga turista ang mga ito, at mayroon valid working permits bilang entertainers sa Singapore ngunit hindi kumbinsido ang mga taga-Immigration sa tunay na layunin ng kanilang pagtungo sa nasabing bansa.
At kalaunan, inamin din ng mga biktima na-recuit sila sa pamamagitan ng Facebook para magtrabaho sa isang club sa nasabing bansa, kung saan tatanggap ang bawat isa sa kanila ng P40,000 suweldo kada buwan at babawasin sa loob ng anim na buwan ang mga ginastos ng recuitment agency.
Ang mga biktima ay inilipat sa pangangalaga ng IACAT upang sumailalim ng masusing imbestigasyon at kasabay nito ang pagsasampa ng kasong illegal recuitement laban sa recuiter. FROILAN MORALLOS